Saturday, 18 February 2012 @ 05:50
FOREXAMPAUL.
Gusto ko sana na pag nabasa mo ito ay wala ka nang magagawa kundi ngumiti at ngumiti at ngumiti lang.
Una sa lahat, belated happy birthday. Wala akong panahon nung 14 sa kadahilanang na Wow Mali ako, arkilado pala ang jeep na nasakyan ko ng mga taong nagiibigan at naiwan ako dung mag-isa. Kaya paguwi ko nagmukmok nalang ako at natulog at hindi na kita nagawan ng malanding mensahe tulad ng ginawa ng mga chicks na patay na patay sayo. At dahil ayaw ko magpatalo, gagawan kita ng mas malanding mensahe para umagat yung mensahe ko sa lahat ng mga mensaheng natanggap mo para sa iyong kaarawan.
At napahaba ng ang intro ko. Ang nais ko lamang ipabatid sayo ay masaya ako dahil may pogi akong kaibigan at mainggit na lahat ng chicks na naghahabol sayo dahil feeling close na ko sayo at alam kong nakangiti ka na ngayon kasi iinggitin ko silang lahat dahil may forevermore tayo, diba? At akin lang ang term na forevermore dahil ayoko ng may kapareho ako. Maiinggit pa sila lalong lahat pag naglagay ako ng picture natin pero wag nalang kasi baka ako naman ang ma-issue. Sayang ang career ko. Pero joke lang kasi ang ganda ko dun kaya maglalagay padin ako sa dulo ng walang kakwenta kwenta kong malanding mensahe para sa iyo.
Ikatlo, gusto ko lang ipaalam sayo na kailangan mong maglaan ng isang araw para sakin para makuha mo ang iyong regalo na hindi ko padin nabibili talaga. Chos. Pero kailangan mo talagang maglaan ng isang araw na walang istorbo, walang ibang chicks, at walang magulo. Chos lang. Basta isang buong araw para sakin. Kahit SM Bicutan lang! Tapos sagot mo ang lahat. WAHAHAHA
At siyempre, nahihirapan na kong magpakalalim na tagalog. Ititigil ko na ang pagpapanggap!
Haha. Happy Birthday Paul, sana mas makilala pa kita at mas lalo pa tayong maging close para mas lalo pang mainggit ang fans club mo. At ayun. Wala na akong masabi bukod sa paulit-ulit at gamit na gamit nang, masaya ako na nakilala kita. EW CHEESY! Magmamalalim nalang ako sayo pag nakahanap ng ibang pagkakataon. Ayun. Sana wag ka nang magtampo, busy lang talaga.
Mehehe.
Labels: happy birthday